HULING ARAW O DEADLINE NG PAGSUMITE NG APLIKASYON SA DUA AY SETYEMBRE 25, 2023
Posted on Sep 14, 2023 in MainPAUNAWA SA PUBLIKO
PUBLIC NOTICE
HULING ARAW O DEADLINE NG PAGSUMITE NG APLIKASYON SA DUA AY SETYEMBRE 25, 2023
DEADLINE FOR SUBMITTING DUA APPLICATION IS SEPTEMBER 25, 2023
Ang State Department of Labor and Industrial Relations (DLIR) ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa Disaster Unemployment Assistance (DUA). Ang mga aplikasyon sa DUA ay dapat na isumite nang hindi lalampas sa Setyembre 25, 2023. Ang mga aplikasyon na isinumite pagkatapos ng deadline ay ituturing na hindi umabot sa takdang oras at ang mga benepisyo ng DUA ay maaaring tanggihan maliban kung ang indibidwal ay magbibigay ng magandang dahilan kung bakit nahuli ang pag-file.
PAANO AT SAAN MAG-APPLY: Ang mga nais magsumite ng aplikasyon o claimant ng DUA ay maaaring mag-apply online sa huiclaims.hawaii.gov/#/ o nang personal. Magbibigay gabay sa aplikasyon sa DUA at iba pang mga form ang alinman sa sumusunod na lokasyon:
• Disaster Recovery Center
Lāhainā Civic Center Gymnasium
1840 Honoapi‘ilani Highway, Lāhainā, HI 96761
• Maui Claims Office
54 South High St. Rm. 201, Wailuku, HI 96793-2198
Telepono: (808) 984-8400
• American Job Center Hawaii-Maui
110 Ala’ihi St. #209, Kahului, HI 96732
Telepono: (808) 270-5777
Makukuha ang DUA para sa mga kuwalipikadong empleyadong nawalan ng trabaho, mga taong self-employed (sa sarili nagtatrabaho), mga magsasaka, at mga mangingisda na nagnenegosyo noong nangyari ang sakuna. Ang pagiging kuwalipikado para sa mga benepisyo sa DUA ay linggo-linggong susuriin para sa bawat linggong magsusumite ng aplikasyon para makatanggap ng benepisyo.
Kailangang magbigay ng katibayan ang mga aplikante para idokumento ang pagtatrabaho o sariling hanapbuhay o para idokumento ang trabaho na magsisimula sana sa araw na nangyari ang sakuna o trabaho na magsisimula sana pagkatapos ng sakuna. Kung hindi maibigay ang katibayan ng pagtatrabaho sa oras na maisumite ang aplikasyon, mayroong 21 araw ang mga aplikante mula sa oras na maisumite ang aplikasyon para matugunan ang pangangailangang ito. Ang hindi pagsumite ng dokumentasyong ito sa loob ng 21 araw ay magreresulta sa pagtanggi sa DUA, at anumang mga benepisyong nabayaran na ay ituturing na sobrang bayad. Kinakailangang bayaran ang anumang mga benepisyong sobrang nabayaran.
Para sa tulong, ang mga aplikante ay maari ding tumawag sa (833) 901-2272 o (808) 762-5751 o (833) 901-2275 o (808) 762-5752. May mga libreng serbisyo ng tagasalin.