Home /
Binago ng United States Postal Service (USPS) ang paraan ng paglalagay ng postmark sa mga ipinapadalang sulat o koreo.
Ngayon, ang postmark ay ang petsa kung kailan naproseso ng makina ng USPS ang sulat, hindi ang petsa kung kailan mo inihulog o kung kailan kinolekta ng post office ang sulat.
Ang pagbabagong ito ay para sa mga sulat o koreo na may takdang petsa o ”deadline”–kabilang ang mga apela at mga dokumentong kailangang makarating sa tamang oras. Para tiyaking tama ang postmark at hindi ka mahuhuli sa deadline, dalhin mo ang sulat o koreo sa counter ng USPS at humingi ng manual na postmark.