IMPORMASYON SA BUWIS
Ang form 1099g para sa taon 2023 ay ipapadala sa o bago ang Enero 31, 2024 sa lahat ng mga nakatanggap ng unemployment insurance o tulong sa pagkawala ng trabaho (regular, EB, PEUC, FPUC, DUA) at mga tulong sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemya (pandemic unemployment assistance o PUA) sa taon 2023. Kasama sa form ang halaga ng mga benepisyong binayaran at iba pang impormasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng Pederal, Estado, at personal na buwis sa kita para sa taon ng buwis.
Ang impormasyon sa 1099g ay makikita sa http://uiclaims.hawaii.gov simula Enero 18, 2024.
Mag-log in sa iyong online account at piliin ang “Tanong sa Claim” sa menu. Pagkatapos ay piliin ang “Impormasyon sa 1099.”
Kung hindi ka makatanggap ng Form 1099g sa tamang panahon, makipag-ugnayan sa iyong lokal na opisina ng UI para kumuha ng kopya (duplicate) nitong form. I-click dito para sa numero ng telepono at email address ng lokal na mga opisina ng UI.
Kailangan mo ba ng tulong sa pag-file ng iyong mga buwis? Ihanda at i-file online ang iyong pederal na buwis sa Free File (Libreng File). Ang Free File ay libreng serbisyo sa paghahanda ng pederal na buwis at mga opsyon o pagpipilian sa e-file para sa lahat ng nagbabayad ng buwis. Ang Free File ay ginawang posible sa pamamagitan ng pampublikong-pribadong pakikipagsosyo ng IRS sa mga komersyal na kumpanya ng software sa buwis. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa website ng IRS sa: https://www.irs.gov/filing.
Ang tax withholding ID ng Hawaii State UI Division ay 093-185-7408-01.