Limited English Proficiency Assistance: Tagalog
Tulong sa May Limitadong Kakayahan sa Ingles
Ang mga indibidwal na hindi nagsasalita ng Ingles bilang kanilang pangunahing wika at may limitadong kakayahan na magbasa, magsalita, magsulat o makaintindi ng Ingles ay may karapatan sa tulong sa wika kaugnay sa pagtanggap ng mga benepisyo ng seguro sa kawalan ng trabaho (unemployment insurance).
Mahalaga! Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa kompensasyon sa kawalan ng trabaho, mga responsibilidad, at/o benepisyo. Mahalagang maintindihan mo ang impormasyong ito. Kung kailangan mo ng (libreng) tulong para maintindihan ang impormasyong ito sa iyong wika, tumawag sa (808) 762-5752 o (833) 901-2272; o pumunta sa [https://labor.hawaii.gov/ui/tag]. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan na nakalista sa ibaba para sa tulong.
★ Pinakabagong Anunsyo/Paunawa
★ Impormasyon Sa Buwis
Ang form 1099g para sa taon 2024 ay ipapadala sa o bago ang Enero 31, 2025 sa lahat ng mga nakatanggap ng unemployment insurance o tulong sa pagkawala ng trabaho (regular, EB, PEUC, FPUC, DUA) at mga tulong sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemya (pandemic unemployment assistance o PUA) sa taon 2024. Kasama sa form ang halaga ng mga benepisyong binayaran at iba pang impormasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng Pederal, Estado, at personal na buwis sa kita para sa taon ng buwis.
Ang impormasyon sa 1099g ay makikita sa http://huiclaims.hawaii.gov simula Enero 18, 2025. Mag-log in sa iyong online account at piliin ang “Tanong sa Claim” sa menu. Pagkatapos ay piliin ang “Impormasyon sa 1099.”
Ang mga claimant ng PUA ay kailangang tumawag sa Call Center at piliin ang linya ng PUA para sa impormasyon sa buwis o hintayin dumating ang kanilang kopya ng 1099.
Kung hindi ka makatanggap ng Form 1099g sa tamang panahon, makipag-ugnayan sa iyong lokal na opisina ng UI para kumuha ng kopya (duplicate) nitong form. I-click dito para sa numero ng telepono at email address ng lokal na mga opisina ng UI.
Kailangan mo ba ng tulong sa pag-file ng iyong mga buwis? Ihanda at i-file online ang iyong pederal na buwis sa Free File (Libreng File). Ang Free File ay libreng serbisyo sa paghahanda ng pederal na buwis at mga opsyon o pagpipilian sa e-file para sa lahat ng nagbabayad ng buwis. Ang Free File ay ginawang posible sa pamamagitan ng pampublikong-pribadong pakikipagsosyo ng IRS sa mga komersyal na kumpanya ng software sa buwis. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa website ng IRS sa: https://www.irs.gov/filing.
Ang tax withholding ID ng Hawaii State UI Division ay 093-185-7408-01.
★ Pag-Upload Ng Elektronikong Dokumento
Simula sa Disyembre 16, 2024, ang mga claimant na kailangang magsumite ng mga dokumento ay maaring pumunta sa kanilang online account (claimant portal) at i-upload ang mga dokumento. Ang mga claimant ay maaari pa ring magsumite ng mga dokumento sa pamamagitan ng koreo o sa kanilang lokal na tanggapan ng unemployment claims.
★ Bago at Pinahusay na UI Call Center
Simula sa Nobyembre 25, 2024, may mga karagdagang pagpipilian o opsyon ang bagong Hawaii Unemployment Insurance (HUI) Call Center para matulungan at bigyan ng impormasyon ang mga tumatawag.
Ang mga tumatawag ay maaaring:
- Pumili mula sa sumusunod: Regular na Kawalan ng Trabaho, Sobrang Bayad ng Benepisyo, Panloloko (Fraud) at Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan (Identity Theft), Tulong sa Pandemya sa Unemployment (PUA), at Mga Serbisyo Para sa Employer.
- Pumiling pakinggan ang mga mensahe sa English, Cantonese, Ilocano, Japanese, Korean, Mandarin, Spanish, Tagalog, at Vietnamese. Ang mga nangangailangan ng tulong sa kanilang wika ay ikokonekta sa libreng tagasalin (interpreter).
- Pakinggan ang mga sagot sa ilang madalas itanong tungkol sa mga kinakailangan sa UI.
- Sumagot ng maikling survey sa dulo ng kanilang tawag tungkol sa natanggap nilang serbisyo bilang kostumer.
Matatawagan ang Statewide UI Call Center sa (808) 762-5752 o +1 (833) 901-2272.
🔔 Nakaraang Anunsyo/Paunawa
Pagbayad Online ng Natanggap na Sobrang Benepisyo
Magagamit na ang Multi-Factor Authentication
Mga Bagong Instrumento na Magagamit ng Mga Claimants
Pagbayad Online ng Natanggap na Sobrang Benepisyo
Magagamit na ang Multi-Factor Authentication
Mga Bagong Instrumento na Magagamit ng Mga Claimants
Pagtatapos ng Tulong para sa Kawalan ng Trabaho dahil sa Sakuna
Muling Kailangang Maipakita na Ikaw ay Naghahanap ng Trabaho para Tumanggap ng Unemployment Insurance sa Maui County
Impormasyon Sa Buwis
Bagong mga Paraan ng Pag-proof ng ID para sa mga Claimants
Sertipikasyon ng Aplikasyon/Claim – Pag-file para sa isang nakaraang linggo
Paano Gumagana ang Unemployment Insurance (Tagalog)
Paano Mag-Apply
-
- Kailangan mo ba ng tulong sa ibang lengguwahe? Ikukuha ka namin ng libreng tagasalin. I-click DITO para padalhan kami ng hiling o tumawag sa (808) 762-5752 o (833) 901-2272 para sabihin sa amin ang iyong sinasalitang lengguwahe.
-
- Para mag-apply online, pumunta sa huiclaims.hawaii.gov. Kailangan mong sundin ang lahat ng tagubilin sa pahina ng pagkumpirma sa huli.
-
- Kung kailangan mo ng tulong sa pag-file ng aplikasyon para sa benepisyo ng seguro sa kawalan ng trabaho o kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkawala ng trabaho, mangyaring pumunta sa iyong lokal na tanggapan ng unemployment. May mga libreng serbisyo ng tagasalin. Nakalista sa ibaba ang mga address at impormasyon na maaaring i-contact para sa mga lokal na tanggapan ng Hawaii Unemployment Insurance Division.
TTD/TTY: Dial 711; ask for (808) 586-8842
Oahu Claims Office
830 Punchbowl St., Rm 110, Honolulu, HI 96813
Hilo Claims Office
1990 Kinoole St, Rm 101, Hilo, HI 96720-5293
Kona Claims Office
Ashikawa Building, 81-990 Halekii St, Rm 2090, Kealakekua, HI 96750
Maui Claims Office
54 South High St, Rm 201, Wailuku, HI 96793-2198
Kauai Claims Office
4370 Kukui Grove St., Ste 3-214, Lihue, HI 96766